The Philippines has a new president and a rehash of the old news as far as the senators and the congressmen/women are concerned. There was a variety of choices - from the cinema leading men with agimats to the boksingero to the pseudo intelektuals and the incorruptibles. We never run out of characters - ang problema nga lang ay kung manalo - paano na? sabi nga ni Dolphy.
We considered it progress since fully automated ang election for the first time - counterbalance nga lang ay manual counting. Kakaunti lang daw ang namatay compared to previous elections.
Mabilis lumabas ang resulta - tayo na andito sa ibang bansa ay fully updated at in the know sa mga nangyayari.
We all have our hopes pined na this could be our new tomorrow. This could be the start of the progress we have been waiting for. Sana nga.
I have been in heated argument with friends regarding the electionables. Bawat election na dumarating kadalasan ay parehong mukha ang lumalabas - same-o same-o. Sabi ng aking mga kaibigan karapatan ng mga tao ang tumakbo at karapatan din ng mga tao ang mamili - the principle behind the election.
Ngunit ang sa ganang akin ay - napakarami ng mga Pilipinong matatalino. Napakarami rin ang pwedeng maging lider. Dapat ba na naka-confine ang power to lead and power to think sa iilan lamang? Kung ang asawa ay nasa gobyerno na nararapat lang ba na ang kanyang maybahay ay naroroon din (kasama ng mga anak at tiyahin at tiyohin)?
We adhere so much to the osmosis and diffusion principle. Nalilipat ang kagalingan ng pag-iisip sa pinakamalapit sa iyo - ang iyong pamilya. Sa bandang huli, nahihirapan na rin na ihiwalay kung kaninong kaban ng bigas ang pinangangalagaan - ang sarili mong kaban o kaban ng bayan. Mas mahirap pa kung maituring sa bandang huli na ang kaban ng bayan ay iyo nang sariling kaban.
No comments:
Post a Comment