Saturday, March 14, 2009

Circa70s

Maraming pwedeng isulat tungkol sa 70s. Sa katulad kong dumaan sa kainitan ng mga taong ito - masarap balikan ang mga magaganda, kalulunos-lunos (talagang Pilipino!!!!),nakakatindig balahibo at masasayang pinagdaanan.
Aside from McCoy and wife together with their children, mas marami pang mga interesting tao ang umikot sa mundo ng Pilipinas noon. Susubukan kong isalaysay sa inyo ang aking pwedeng maalala.
Pagka-graduate ko ng High School ay pinalad akong makapasok ng UP; 73-00725- that was my student number then. Kung baga, that was my SS# sa buong buhay ko sa UP. Nakakatawa pero that number stuck in my cerebral cortex at mukhang hindi ko makakalimutan.
Ang bungad papasok sa UP ay minamanmanan ng batas militar at lahat ng papasok sa compound ay kailangang may sticker o di kaya dadaan sa kanilang masusing pag check ng gamit.
Mama used to drive the volkswagen beetle to bring me to school before she goes to work at the National Orthopedic Hospital at Banawe Quezon City. Kung medyo mabagal bagal akong kumilos sa umaga ako'y kanyang iiwanan at mapipilitan akong sasakay ng JD bus- OO- yong pula na bus at naka-uniporme pa yong mga konductora.
AAkyat pa rin yong mga militar sa bus pag ito'y nasa bungad na ng UP. No one dare say anything that can court their ire or sa stockade ang bagsak mo.
Nagtataka ako noon kung bakit karamihan o baka silang lahat ng mga militar ay ilokano. Dapat nakipagkaibigan ako sa kanila - I speak the language of Ilokano. However I do not speak their ideology.
The Arts and Sciences building was also riddled with Military personnel. Nag-aantay na lang yang mga iyan ng dadamputin. During those times, marami nga ang dinampot. Hindi ko masabi kung saan dinala. The buzz word then was DG - discussion group. Ito baga yong mga informal teach-in na ginagawa sa mga bakanteng classroom, sa cafeteria o kahit na anong lugar na maaari mag-si-upo ang ilang interesado at mag-usap-usap o mag-palitan ng kuro-kuro.
In quiet times sa UP ang mga fraternity rumbles ang commercial breaks ng mga estudyante (read: reason na walang klase dahil nagbabatuhan ang mga bad frat boys sa AS building). In those military times, ang madalas manghinto ng klase ay ang mga rally.
Naging normal na takbuhin ng buhay sa UP ang mga rally. Masalimuot ang daigdig noon lalo na kung ang estudyante ay naghahabol ng graduation o mataas-taas na grado. One is torn between one's responsibility of staying in school at the same time with one's priority then as a young Pilipino student.
Mapusok ang mga kabataan noon - walang takot. I stayed in Diliman for two years after which I was at UP PGH at the Padre Faura complex. Hindi kasing init politically sa Padre Faura compared to the Diliman community. Dala siguro ng pressure ng pag-aaral that we all buckled down para harapin ang aming mga libro at cadavers.
On a lighter note - diba sabi nila ang mga UP ay scholar ng bayan? Nasabi yan dahil ang aming tuition fee ay kalakihan subsidized by the government. Malaki na ang 250 pesos na babayaran ko sa isang semestre. Aside of course ng ilang mga scholarships na pwede ma-avail. Isa na rito ang NSDB scholarship - NaSaDaddyAngBayad.
We were blessed I admit. Babalikan ko kaya yang parte ng buhay ko? In a heartbeat OO. Kaya nga hindi mapuknat-puknat sa isip ko; 73-00725.


No comments:

Post a Comment