How was the social life then nang bumaba ang proklamasyon ng 1081 aka Martial Law? CURFEW!!! Lahat ng tao ay dapat nasa loob ng bahay pagpatak ng 12:00 ng hatinggabi. Pag ikaw ay inabutan ng curfew sa daan dadamputin ka ng mga may kapangyarihan at dadalhin sa Crame. Marami ang ipagagawa sa iyo; isa na ang pagtatabas ng damo sa loob ng kampo.
So how was the social life then? Tuloy pa rin ang mga parties ngunit nauso ang tinatawag na stay-in.
Alam nating lahat na ang party ay umiinit pa lang ng bandang 10:00 ng gabi. Nauumpisahan pa lang patugtugin ang O Ye Como Va ng Santana at hindi pa umaabot sa McArthur's Park ang sweet songs. Yong mga gwapo ay nagsisidatingan pa lamang. Who would want to miss the "happening" then?
Kaya nauso ang "stay-in". People will stay until the curfew is lifted at around 3:00 or 4:00 am. Tuloy-tuloy ang sayawan hanggang madaling araw. Unfortunately Papa and Mama never allowed us to "stay-in". The rule of the house: we have to be at the house gate at the latest 11:59 PM para pagbuksan ng pinto ni Papa. Otherwise, hindi kami papayagan maki-pagparty.
The streets of Manila were very barren on those hours. Walang maglalakas loob na gumala sa kalsada ng ganoong oras for the fine was too steep. Wala ring mag-babalot na nagtitinda sa kalye. Hindi ko na maalala kung anong oras ang last full show ng sinehan. Remember ang last full show ay 9:00PM kung saan kakantahin ang "Bayang Magiliw"?
Sabi ng mga statisticians ng NEDA the crime rate was down when the curfew was imposed. Sabi ng simbahan Katoliko, nagkaroon daw ng positibong epekto ang curfew for the people stayed home and the oneness of the family was revived.
Ewan ko - basta ang alam ko buhay na buhay ang mga disco houses at party goers noon dahil talagang inuumaga ang mga happenings.
No comments:
Post a Comment